Compilation of the best pinoy jokes tagalog, tagalog love quotes, tagalog jokes, sms text, pinoy quotes, text quotes, pinoy jokes tagalog, green jokes, humor jokes, tagalog funny quotes, pinoy jokes 2014, erap jokes, funny pinoy joke, pinoy text jokes, pinoy joke, jokes pinoy, most funniest jokes, pinoyjokes and filipino joke and Newest Jokes.

Monday, July 18, 2016

Naloko ang Bading

NEWSBOY: "Dyaryo kayo dyan! Dalawang bading ang naloko! Diyaryo! Diyaryo!"

BAKLA: "Hi! Pabili nga ng diyaryo! Magkano?"

NEWSBOY: "Twelb pesos po."

BAKLA: (ginalugad agad ang diyaryo) "Hoy! Wala naman akong mabasang dalawang bading na naloko dito ah!"

NEWSBOY: "Diyaryo! Diyaryo! Tatlong Bading ang naloko. Diyaryo kayo dyan!"

Ice for sale Jokes

Isang bahay may nakasulat na "Ice for sale"
BATA: "Pabili!"
YAYA: "Ano bibilin mo?"
BATA: "Kendi nga po."
YAYA: "Wala."
BATA: "Coke"
YAYA: "Wala!"
BATA: "Juice"
YAYA: "Wala nga! Kita mong "Ice for sale" yung nakasulat, malamang Ice lang tinitinda namin!! tanga mo talaga!"
BATA: "Ikaw nga ung mas tanga kita mong ice lang tinitinda nyo nagtatanong ka pa kung ano bibilhin ko tanga!"

Dictionary ng Pinoy English to Tagalog

Mapapa-isip ka talaga kung ano ang mga tagalog nito at siguradong mapapahagakhak ka pag naumpisahan mong basahin ang mga patok na jokes na to!

TO WAITER: Isang uri ng social network site na pwede kang magfollow at mag-to wait.
SURVEY TEST: Yung tagalog ng ICE CREAM.
TIMELINE: Malungkot o walang sigla.. “Bakit ang TIMELINE mo?”
I SCREAM: eto yung tinatawag nilang sorbetes.
FOLLOWED: Ang sasabihin mo sa tindera ng load.
FEARFUL: ung isa pang tawag sa color violet.
KOREAN TEA: Yan yung nawawala pag nag- brown out.
A TRUST: yung lalakad ng pabalik at kabaliktaran ng abante.
MAKE DOUGH: Kalaban ng Jollibee.
LAUGH IS: Yan yung ginagamit pang sulat.
TWO WHILE YEAH: Yung ginagamit after maligo.
SICK RATE: Mga bagay na hindi mo maaring sabihin sa iba.
SI BEN 11: yung convenience store kung san ka bumibili ng slurpee.
SHE FEEL YOU: Yan yung gamit mo pangtotoothbrush.
PERSUADING: Ito yung unang kasal.
VAIN TEA: Yan ang presyo ng Cornetto.
GRABE TEH!: Is the force that causes two particles to pull towards each other.
LOW FEET: Sinasabi kapag nakakita ng astig na pangyayari o bagay. Ang Low Feet!
DEDUCT: Ang Pato.
CHECK IN: Kadalasang ginagawang adobo at afritada. English term ng Manok.
DUE CARE: Kalaban ni Batman.
SHE KISS: Dyan makakabili ng pizza. Kalaban ng Pizza Hut.
DEPRESS: Yan yung English term ng “Ang Pari”.
HAVE A: Yan yung sinasabi kapag maganda at benta yung joke.
MALICIOUS: Yung mali yung nasuot mong sapatos.
MY DOLL: Yan yung tinatanggap ng mga matatalinong mag-aaral.
THE VALUE: Yung susunod sa letrang “V”.
CALL THERE OH!: Yung gamit sa pagluluto ng kanin.
LOVE BEEN THERE: Favorite color ko. Light color ng violet
STD: Yung hindi ka gagalaw.
FAUCET: Isang uri ng lamang dagat na may galamay.
IN SEX: Example nito ay ants, bees, bugs etc
SHE CAN: English term ng manok.
CITY: Ito ay bago mag-Otsu. City.
A LIE: Sinasabi ng mga Chinese kapag nasasaktan.
LOVING A NAME: Yan yung kasunod sa Labinlima.
TO WAIT: tunog na nililikha ng ibon. To wait, to wait.
INNER ROW: Yan yung kasunod ng Pebrerow, Marsow, Abril, Mayow.
THE EGG: Kapag mag magaling siya sa iyo. The Egg ka niya.
CONTEMPLATE: Kapag hindi ganun karami ang mga plato sa kusina niyo. Contemplate.
COCONUT: Yan ang mangyayari sa chicharong nakabukas ng matagal.
EFFORT: Dito lumalapag ang airplane.
COPY PASTE BOOK: Kapag sobra ka sa pagpeFACEBOOK, sasabihin sayo ng nanay mo “Itigil mo na nga yang Copy Paste Book Mo!”

Ang Lolo kong matipid

Bossing: Alam mo ba pare yung lolo ko nung nagaaral pa yun sobra tipid nya, kasi yung
baon nyang limang piso araw-araw natititpid pa nya, nakakapagtira pa sya ng dalawang piso!

Joey: Ang tipid ng lolo mo pare pero wala yan sa lolo ko kasi alam mo ba nung nag-aaral pa yun nakakapagtira pa sya ng apat na piso galing sa limang piso nyang baon!

Aleng Maliit: Hay naku ano ba yang mga lolo nyo mga gastador, ang luluho naman, alam nyo ba yung lolo ko nung nag-aaral pa yun, hindi yun nagastos kahit piso.

Bossing: Grabe naman tipid ng lolo mo hindi nagastos kahit piso.

Aleng Maliit: Oo kahit piso!

Joey: Eh bakit ganun?

Aleng Maliit: Eh wala namang baon lolo ko eh!

Wala ka sa Lolo ko

Jimmy: Pare ang tindi ng lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit matanda na lolo ko pag kumausap ng babae yun, nakukuha pa nya yung number ng babaeng kinausap nya!

Joey: Pare sayo kinakausap pa? mas matindi appeal ng lolo ko, kasi yung lolo ko kikindatan at ngingitian lang nakukuha na agad yung number ng babae!

Aleng Maliit: Ang hihina ng mga lolo nyo! yung lolo ko sya na nilalapitan ng mga babae, binibigay pa sa kanya yung mga number!

Jimmy: Siguro napaka lakas ng appeal ng lolo mo! Gwaping siguro ano?

Aleng Maliit: Hindi naman…

Joey: Eh bakit nilalapitan sya at binibigyan sya ng number ng mga babae?

Aleng Maliit: Eh nagloload lolo ko eh!

Matandang Lolo at Lola

Lolo: Ano kaya ibalik natin ang nakaraan nung bago pa lang tayo magshota??

Lola: oh cge…

Lolo: sige bukas dun tayo magkita sa dati nating tagpuan ha!

Lola: oo! hintayin mo nalang ako dun.

(Naghintay si Lolo sa may tabing ilog dala ang 3 rosas with tsokolate. maghapon si lolo naghintay ngunit walang dumating. kaya umuwi na lang siya. pagdating sa bahay nadatnan si lola nakahiga at tumatawa)

Lolo: bakit di mo ko sinipot?

Lola: di ako pinayagan ni Mommy!!

Toingks…

Fairytale jokes

LOLA: Iho, ako ay isinumpa. Isa akong prinsesa. Kung ako ay iyong 
hahalikan ng 15 minuto babalik ako sa maganda kong
 anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa.

(Makaraan ang 15 mins...)

LALAKE: Yan, tapos na. Bakit di ka pa rin nagpapalit ng anyo?!

LOLA: Ilang taon ka na iho?

LALAKE: 30 na ho.

LOLA: Yang tanda mong yan naniniwala ka pa sa fairy tale?

Tatay at Anak Pahinge ng Pera

ANAK : Tay , hihingi sana ako ng 500 ? ?

TATAY : Ano 400 ? ! ang laki naman ng 300 na hinihingi mo ! !

Anong gagawin mo sa 200 ? ?

Kala mo ba madali lang maghanap ng 100 ? !

50 nga hirap ko na kitain , 20 pa kaya ?

Pasalamat ka may 10 pesos pa ako oh eto 5 . . .

ANAK : Akin na ! ! baka maging piso pa yan ! !

Mag Syota Habang nagChaChat

Magsyota nag chat sa FB..

GF: bhe, di na ako magtatagal, log out na ako

kasi nagalit si papa eh. Imumudmud daw nia

mukha ko sa keyboard kung di pa ako

aalisngayon.


BF: aiiii! gusto ko pang makipagchat sayo

GF: Di na pwedi bhe kasi imumuddjskigjdh
dkj165jfjcklgsipgkfkfkdqhogkjfsplmnbvzxadh
fwkofefo65hfksjot489cdif0csaqplkhfch
hfhts1gvjsporqfofhggkgufkklgsr
ffjsat63ckvs8hkfhjsgo.gdjgaeoh
qujsjkosqyoffifeuhdq
gisj1vk6bdbmasjgfqwpotfjxhhjfs
kghspp9gdkkssjirfgoosarkjddhyetiicdolffsayiib
gigfiueeejoguggguuydtjgg...

Magaling na robot

May robot na galing sa japan na
magaling manghuli ng magnanakaw

ang robot ay dinala sa spain
nakahuli siya ng sampung
magnanakaw sa loob ng 15 minuto

tapos nilipat ito sa america, nahuli
nya ang 40 na magnanakaw sa loob
ng 30 minuto (sa sobrang galing ng
robot. Tinest ito sa pilipinas )

Pagkalipat sa pilipinas wala pang
dalawang minuto

Ninakaw na ang robot!

Simpleng Ads

Papauwi na ako kanina, may nag alok ng sex with a hot model daw.

Ang kapalit lang daw non mag advertise ako ng isang bathroom cleaner dito sa Facebook.
Siyempre hindi ako pumayag.

Mataas moral ko!

Ano ako uto-uto!?

Sex lang yan. Malakas ang
control ko!

Kasing lakas ng DOMEX, the incredibly strong bathroom cleaner na talagang nakakalinis at nakakapatay ng germs at available pa yan in Lemon scent in 9.50 pesos nalang 30% discount.

Jokes sa Jeep

SHOUTOUT NGA PALA DUN SA KASABAY KO SA JEEP NA BABAE AT LALAKE.

Mula pagsakay ko ng jeep, hinaharot na nung girl yung boy, panay halik, panay yakap at maya maya pa biglang tinaas nung babae yung damit niya sabay inalis yung bra na parang wlang nakakakitang iba, tapos yung lalaki bgla nyang sinubo yung boobs!

Mukang medyo bata pa yung babae siguro nasa 24yrs old tapos yung lalaki 6months na ata.

Nakakakilabot na jokes

GRABE!

Guys! Be AWARE!

EKSENA SA LOOB NG JEEPNEY!

NAKAKAKILABOT!

Mag ingat sa pag sakay ng jeep, lalung-lalo na po sa gabi.

Isang gabi sumakay ako ng jeep.
Lahat ng pasahero nakatitig sa akin.
Walang umiimik. Weird man po yung pakiramdam, di na ako bumaba. Dahil nakasanayan ko namang magbayad pagkasakay inilabas ko ang bayad ko at sinabing:

"Ma, bayad po, sa Sandigang Bayan lang."

Pero lahat nakatingin padin sakin. Wala pa ding umiimik. Yung isa bumulong sa katabi.

Naiirita kong sinabi: "PWEDE PONG PAKIABOT ANG BAYAD?!"

Pero, lahat sila nakatingin padin sakin.

Maya-maya, may isang matandang babae ang umusog palapit sa akin at bumulong:

"Hindi ka na dapat naparito iho. Umalis ka
na habang hindi pa nakakaalis ito sasakyan.
kung hindi, pagsisisihan mo ang pwedeng mangyari. Hindi kana makakauwi sa
inyo."

Napalunok ako, pinagpawisan ng malapot at sumagot:

"Ano ho ang ibig niyong sabihin?"

Ang sagot niya:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"INARKILA NAMiN TO. MAGNANIGHT SWIMMING KAMI! TANGA KA?!"

Popular Posts

Recent Posts

Unordered List

Text Widget